Pambansang pondo ng susunod na taon, tiniyak ng Senado na hindi mauuwi sa reenacted budget

Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi mauuwi sa reenacted budget ang ₱5.268 trillion na pambansang pondo sa 2023.

Ayon kay Zubiri, maganda ang samahan ng Senado at Kamara partikular sa mga liders nito na sina Speaker Martin Romualdez at Majority Leader Mannix Dalipe.

Kaya naman, natitiyak niyang walang reenacted budget na mangyayari at mapapadali ang pagpapatibay dito ng dalawang kapulungan ng Kongreso.


Umaasa aniya sila sa Senado na bago mag-Pasko ay tuluyang malagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang 2023 General Appropriations Bill.

Bago ang katapusan ng Nobyembre ay inaasahang mapapagtibay na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang pambasang pondo.

Ipinauubaya naman ni Zubiri kay Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara ang adjustments na gagawin sa pambansang pondo para magkaroon ng sapat na calamity fund sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Paeng.

Facebook Comments