Pangulong Bongbong Marcos nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng pumanaw na si dating Senador Rodolfo Biazon

Nakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino sa pagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya ng pumanaw na si dating senador Rodolfo Biazon.

Ang pakikiramay ay ipinaabot ng pangulo sa kanyang social media account.

Nakasaad sa mensahe na kinilala ng pangulo ang maraming taong pagseserbisyo ni Biazon sa gobyerno.


Ang hindi nito matatawarang galing sa pamumuno at statesmanship bilang isang military officer at bilang beteranong mambabatas.

Ayon pa sa pangulo nirerespesto ito nang kanyang mga kasamahan sa trabaho at nang publiko dahil sa mga pakikipaglaban nito sa kanyang misyon at mga adbokasiya.

Sa ngalan ng mga Pilipino nagbigay pugay at respeto ang pangulo sa mga alaala ng dating senador.

Facebook Comments