Pangulong Duterte, binisita at nag-abot ng tulong sa mga taga-Negros Oriental

Tumungo kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang ilang miyembro ng gabinete sa Negros Oriental.

Isa kasi ito sa mga hinagupit ng Bagyong Odette kamakailan.

Matapos makita ng pangulo ang lawak ng pinsala sa lalawigan, inatasan nito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng trapal, family food packs at kitchenware sa mga apektadong residente.


Iniutos din ng Punong Ehekutibo ang pagbibigay ng tig-₱5,000 tulong pinansyal sa mga biktima ng bagyo.

Inatasan din ng pangulo ang Department of Health (DOH) na agad tugunan ang health concerns ng ating mga kababayan lalo na’t nananatili parin ang banta ng COVID-19.

Base sa pinakahuling datos, 74 ang naitalang nasawi sa Negros Oriental at 475,501 indibidwal ang naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Facebook Comments