Pangulong Duterte, labis ang pag-aalala matapos magpositibo sa COVID-19 ang anak na si Davao City Vice Mayor Baste Duterte

767

Walang impormasyon si Presidential Spokesperson Sec. Atty. Harry Roque na naging close contact o nakahalubilo ni Pang. Rodrigo Duterte ang kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte na nagpositibo kamakailan sa COVID-19.

Ayon Kay Roque, bilang ama labis-labis ngayon ang pag-aalala ng pangulo dahil tinamaan ito ng virus.


Pero sinabi rin ng kalihim na dahil bata pa si Vice Mayor Baste ay malakas at malusog ito dahilan para malampasan ang sakit.

Samantala, una nang nag-abiso si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi makakasipot sa SONA ng pangulo sa Lunes.

Habang wala pa rin itong impormasyon kung makakadalo sa SONA ang panganay na anak ng pangulo na si dating Deputy House Speaker Paolo ‘Pulong’ Duterte.

Facebook Comments