Pangulong Duterte, mananatiling chairman ng PDP-Laban; paksyon nina Pacquiao at Pimentel, ‘papansin lang!’

Mananatiling chairman ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang tugon ni PDP-Laban Secretary-General Melvin Matibag matapos na ihalal ng paksyon na pinamumunuan ni Senador Manny Pacquiao si Senator Koko Pimentel bilang bagong chairman ng ruling party.

Sa kanyang statement, tinawag na “comedy” ni Matibag ang nasabing hakbang at iginiit na hindi nire-representa ni Pimentel ang PDP-Laban.


Aniya, ang grupo nina Pimentel ay mga mapagpanggap at papansin lamang.

Kahapon nang ianunsyo ni PDP-Laban Executive Director Ron Munsayac ang paghahalal ng mga bagong opisyal sa isinagawang national council ng aniya’y “original” PDP-Laban.

Facebook Comments