Pangulong Duterte, muling itinutulak na baguhin na ang Konstitusyon upang hindi maabuso ang party-list system

Muling itinutulak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabago sa kasalukuyang konstitusyon.

Sa kaniyang talumpati kahapon, sinabi ng Pangulo na ginagamit lamang umano ng mga mayayaman ang party-list system para makapasok sa pulitika.

Ayon pa sa Pangulo, ginaya lamang ng Pilipinas ang konstitusyon ng Estados Unidos na hindi naman ngayon naipapatupad nang maayos.


Umaasa naman ang pangulo na babaguhin ang konstitusyon sa ilalim ng mga susunod na administrasyon.

Batay sa pagsisiyasat ng election watchdog na Kontra Daya, lumalabas na 120 mula sa 177 kasalukuyang tumatakbong party-list groups ang may kaugnayan sa mga angkan ng pulitiko, malalaking negosyo, mga dating local officials at mga walang malinaw na kinakatawan.

Facebook Comments