Pangulong Duterte, nanawagan sa mayayamang bansa na umaksyon kontra climate change

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mayayamang bansa na gawin ang kanilang ‘moral obligations’ na matugunan ang problema sa climate change.

Sa kaniyang talumpati sa 76th United Nations General Assembly (UNGA) ngayong umaga, nagbabala ang pangulo ng isang matinding trahedya sa buong mundo kapag nabigo ang mga bansang aksyunan ang isyu ng climate change.

Kaugnay nito, nagsumite na aniya ang Pilipinas ng mga maaaring konstribusyon nito para mabawasan ang greenhouse gas emission ng 75% pagsapit ng 2030.


Kabilang rito ang pagpapatayo ng mga bagong coal power plants at posibleng paggamit ng nuclear energy.

Pero sabi ni Pangulong Duterte, mawawalan ng saysay ang mga ambag na ito ng Pilipinas kung hindi naman makikiisa ang mismong mga bansang matindi kung lumikha ng polusyon.

“This contribution will be rendered useless if the biggest polluters past and present choose to do business as usual. We, therefore, appeal for urgent climate actions, especially those who can truly tip the balance,” ani pangulo.

“Developed countries must fulfill their long-standing commitment to climate financing, technology transfer, and capacity-building in the developing world. This is a moral obligation that cannot be avoided,” dagdag niya.

Facebook Comments