Personal na sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating sa bansa ng 2.8 milyong doses ng Sputnik V vaccines sa Villamor Air Base, Pasay City.
Kasama ng pangulo na sumalubong sa pagdating ng bakuna ang ilang kinatawan ng Russian Embassy at ilang opisyal ng pamahalaan.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng pangulo ang Russian government sa pag-supply ng COVID-19 vaccines sa bansa na aniy ay simbolo ng matibay na alyansa ng Pilipinas at ng Russia.
Muli ring nanawagan ang pangulo sa mga Pilipino na makiisa sa hangarin ng pamahalaan na masugpo na ang Coronavirus.
Aniya, ginagarantiyahan ng gobyerno na ang mga bakunang ginagamit sa bansa ay epektibo at ligtas.
Muli ring hiniling ni Pangulong Duterte sa mga Pilipino na tumulong para sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa, sa pamamagitan ng pagpapabakuna at pagsunod sa health protocols.