Pangulong Duterte, pormal nang itinalaga si Karl Chua bilang NEDA Chief

Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Karl Kendrick Chua bilang Socioeconomic Planning Secretary ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, si Chua ay nagsilbi sa pamahalaan na may angking professionalism, competency, at integrity.

Tiwala sila na malaki ang maitutulong ni Chua para makabangon ang ekonomiya ng bansa sa harap ng pandemya.


Si Chua ay itinala bilang acting NEDA Secretary noong Abril 2020 matapos magbitiw sa pwesto si Ernesto Pernia.

Si Chua ay economics graduate ng University of the Philippines, at dating senior economist ng Pilipinas sa World Bank.

Facebook Comments