Pangulong Marcos, nakipagkita sa Filipino community sa unang araw ng kaniyang state visit sa Vietnam

Nakipagkita si Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa Filipino community sa isang pagtitipon sa Hanoi, sa unang araw ng kanyang state visit sa Vietnam.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ng pangulo ang Filipino community dahil sa magandang reputasyon na itinaguyod ng mga ito sa Vietnam.

Dito inilatag din ni Pangulong Marcos ang mga nagawa at ginagawa pa ng pamahalaan, para sa pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga ito.


Sa kasalukuyan, nasa 7,000 Pilipino ang nagtatrabaho at nakatira sa Vietnam.

Tinatayang 3,000 ang nagtatrabaho bilang guro dahil sa mataas na demand ng Vietnam schools at professionals na matututo ng wikang Ingles.

Ayon kay Ambassador Meynardo Montealegre, ang kaalaman at kakayahan ng mga Pilipino sa kani-kanilang propesyon ay isa sa naging instrumento sa pagpapalakas ng ekonomiya ng Vietnam.

Facebook Comments