Panibagong taas-presyo sa petrolyo, nakaamba na naman ngayong linggo

May nakaamba na namang panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo bukas, October 26.

P1.10 hanggang P1.20 ang inaasahang taas-presyo sa kada litro ng gasolina habang 40 hanggang 50 centavos sa diesel.

Ito na ang ika-siyam na sunod-sunod na linggong nagmahal ang presyo ng petrolyo.


Sa buong taon, umabot na sa P19.65 ang itinaas sa kada litro ng gasolina; P18 sa diesel at P15.49 sa kerosene.

Facebook Comments