Panukalang bagong “term of office” para sa mga BSK officials, pasado na rin sa Senado

Aprubado na rin sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagtatakda ng bagong “term of office” ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials.

Ito’y matapos makalusot sa plenaryo sa botong 22 na pabor at wala namang pagtutol ang Senate Bill 2816.

Sa ilalim ng panukala, lahat ng mga halal na barangay at SK officials ay magkakaroon ng apat na taong panunungkulan sa pwesto o termino.


Hindi naman pinapayagan ang isang elective barangay official na magsilbi ng higit sa tatlong magkakasunod na termino sa parehong posisyon.

Itinatakda rin ng panukala ang susunod na barangay at SK elections sa unang Lunes ng October 2027 at gagawin kada apat na taon matapos nito.

Kapag naman naisabatas ang panukala, ang mga kasalukuyang nakaupo bilang BSK officials ay mananatili sa pwesto hanggang mahalal ang papalit sa kanila sa October 2027.

Facebook Comments