Panukalang batas na magtataas ng pabuya sa mga impormante ng mga hindi nagbabayad ng tamang buwis, suportado ng DOF

Sinuportahan ng Department of Finance (DOF) ang panukalang batas na naglalayong itaas ang pabuya sa mga impormante o makapagbibigay ng matibay na impormasyon tungkol sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means, sinabi ni DOF Legal Affairs Division Director Jesus Nathaniel Martin Gonzales na tiyak na makatutulong ito upang mapataas ang koleksyon ng buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC).

Sa panukala ng Kamara, nabatid na mula sa dating P1 million ay itataas sa P10 million ang maximum na pabuya sa impormante o 10% na halaga na masisingil ng BIR at 2% na halaga na masasamsam ng BOC.


Hiniling naman ng DOF sa BIR at BOC na bigyan sila ng proteksyon mula sa demanda sa ginagawang batas dahil may mga kasapi ng Committeee on Rewards ng ahensya ang sinampahan ng kaso ng mga hindi nabigyan ng pabuya dahil sa kawalan ng merito ng kanilang aplikasyon sa reward system.

Samantala, dapat ding linawin sa batas na kailangan ng matibay na ebidensya sa pagsusuplong sa mga tax evader.

Facebook Comments