Panukalang Batas ukol sa pagkakaroon ng nuclear energy sa Pilipinas, inihain na sa plenaryo ng Kamara

Nai-akyat na sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 8218 o panukalang pagtatatag ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (PhilATOM).

Ang PhilATOM ay isang independent body na siyang magtatalaga ng mga regulasyon kasabay ng pagsusulong ng mapayapa, ligtas, at maayos na paggamit ng nuclear energy.

Ayon kay Special Committee on Nuclear Energy Chairman Cong. Mark Cojuangco, tugon ang panukala sa atas ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa 19th Congress na isakatuparan ang pagkakaroon ng nuclear energy sa energy mix upang matugunan ang patuloy na lumalaking energy requirement ng bansa.


Tiniyak naman ni Cojuanco na napag-aralan, naikonsulta sa mga eksperto, at naitala ang mga kontrobersyang umiikot sa nuclear power plants, tulad ng banta nito sa kapaligiran at kaligtasan ng mga Pilipino.

Binanggit ni Cojuanco na nakapaloob din sa panukala ang komprehensibong legal framework patungkol sa radiation protection, nuclear security safety and safeguards, at maging ang physical safety sa paggamit ng nuclear energy sa bansa.

Facebook Comments