Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang House Bill Number 10424 o panukalang regulasyon ng motorcycles-for-hire na nakakuha ng 200 pabor na boto sa mga kongresista at isa lang ang tumutol.
Inuutos ng panukala na dapat ay rehistrado sa Land Transportation Office (LTO) ang mga motorcycles-for-hire upang masiguro ang roadworthiness nito.
Inaatasan naman ng panukala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mag-regulate ng operasyon ng motorcycles-for-hire kung saan walang digital platform na magagamit para sa book ng biyahe sa mga ito.
Base sa panukala, ang LTFRB din ang magtatakda ng pamasahe, surcharges, at iba pang transportation fee.
Kasama rin sa mga kailangang magparehistro ang mga motorcycle taxi platform providers at online e-commerce platform providers sa Securities and Exchange Commission.