Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isang magandang ideya na mapagkunan ng pondo para sa pagsasagawa ng mga big tickets infrastracture projects partikular energy at infrastrature sa Pilipinas ay ang panukalang Philippine Sovereign Wealth Fund.
Ang pahayag ay ginawa ng pangulo sa kanyang breakfast meeting kasama ang mga Top International Chief Executive Officers na sidelines sa ginanap na World Economic Forum sa Davos, Switzerland.
Ayon sa pangulo, dahil sa walang sapat na pondo ang gobyerno para sa mga proyektong pang-imprastraktura ay kailangang gumawa ng paraan na mismong pera ang magtatatrabaho para sa Pilipinas kaya naisip nila ang ideyang gamitin ang sovereign wealth fund kapag naisabatas na ito para maisagawa ang mga infrastrature projects.
Kailangan din aniyang maisulong ang Public-Private Partnerships (PPPs) para makatuwang ang mga private sector sa national growth and development ng bansa.
Tiniyak naman ni Pangulong Marcos na mga propesyonal ang mamamahala sa sovereign wealth fund kaya walang dapat na ipagaalala dito ang mga Pilipino.
Batay aniya sa House Bill (HB) No. 6608 o ang Maharlika Investment Fund Act (MIF), maaaring i-invest sa mga strategic at commercial basis ang sovereign wealth fund para mapaangat ang fiscal stability para sa economic development at mapalakas ang mga top-performing government financial institutions sa pamamagitan ng karagdagan investment platforms na makakatulong sa pagkamit ng prayoridad na plano ng gobyerno.