Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, nagpositibo sa COVID-19

65

Kinumpirma ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na nagpositibo siya sa COVID-19 base sa resulta ng kanyang swab test.

Ayon kay Rubiano, ilang araw siyang nakaramdam ng sintomas ng naturang sakit kaya agad siyang nagpa-swab test kung saan ito lumabas na positibo nga siya sa COVID-19.


Sa ngayon, naka-isolate na ang alkalde at isinasagawa na rin ang COVID protocols ng lungsod sa contact tracing sa maaring pinagmulan ng sakit at sa mga nakasalamuha niya para maiwasan ang tuluyang pagkalat nito.

Inatasan na rin ng alkalde ang lahat ng department head at mga kawani ng Pasay City Hall na ituloy parin ang mga programa at huwag pabayaan ang mga kababayan sa kabila ng kanyang kalagayan.

Facebook Comments