1patay, 2 nakatakas sa search warrant operation ng PNP sa North Cotabato!

Patay ang isa sa tatlong mga target ng search warrant operation ng Philippine National Police (PNP) sa Sitio Daya, Barangay Dalingaoen Pikit, Cotabato.
Ayon kay Police Chief Insp. Romy Do-ut Castñares, hepe ng Pikit-PNP, pakay sana nilang isilbi ang search warrants kina Bai Pagilidan AKA “Pandakan”, Jaime Quinto at Poloy Pagilidan na nasawi matapos barilin ng operatiba makaraang manlaban.
Nakatunog naman umano sina Quinto at Bai Pagilidan kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9165 o Comprehensive Dangerous drug act of 2002 kaya nakaalpas ang mga ito.
Ang naturang operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Cotabato Provincial Police Office, Prrovincial Intellegence Branch, Provincial Mobile Force Company, PDEA-12 at sa suporta ng mga kalapit MPS sa lalawigan.
Ilang sachets ng pinaniniwalaang shabu, drug paraphernalia, baril at mga bala kabilang na ang motorsiklo ng isa sa mga suspek ang narekober naman ng operating team.

Facebook Comments