PBBM, bumuo ng NMC sa gitna ng tumataas na tensyon sa WPS

 

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbuo ng National Maritime Council (NMC) sa bisa ng Executive Order No. 57.

Ito’y para palakasin ang maritime security ng Pilipinas at pataasin ang maritime domain awareness ng mga Pilipino sa gitna ng mga agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Sa ilalim ng EO 57, pinalitan ng pangulo ang National Coast Watch Council (NCWC) sa NMC na bubuo ng mga polisiya at estratehiya upang matiyak ang isang nagkakaisa at epektibong governance framework para sa maritime security at domain awareness ng bansa.


Magsisilbing chairperson ng NMC ang Executive Secretary, habang magiging miyembro naman ang ilang piling ahensya ng gobyerno.

Batay sa kautusan, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangang mapalakas ang maritime security at domain awareness para komprehensibong matalakay ang mga isyu na may epekto sa pambansang seguridad, soberanya, karapata, at maritime jurisdiction sa maritime zones.

Ang kautusan ay nilagdaan ng pangulo noong March 25, 2024 at magiging epektibo sa lalong madaling panahon matapos na mailathala sa official gazette o iba pang pahayagan.

Facebook Comments