PBBM, bumuo ng “super body” para sa proteksyon ng karapatang pantao sa bansa

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbuo ng “Special Committee on Human Rights Coordination” na magpapatupad ng kanyang mga direktiba sa mga ahensya ng pamahalaan para sa proteksyon ng karapatang pantao sa bansa.

Batay sa Administrative Order (AO) No. 22, ang special committee ay pamumunuan ng Executive Secretary kasama ang mga kalihim ng Department of Justice (DOJ), Department of Foreign Affairs (DFA), at Department of the Interior and Local Government (DILG) habang magsisilbi namang Secretariat ang Presidential Human Rights Committee (PHRC).

Tungkulin ng “super body” na mag-imbestiga at manguha ng mga ebidensiya sa mga paglabag sa human rights ng mga ahensiyang nagpapatupad ng batas, makipag-ugnayan sa mga pribadong sektor, at magpatupad ng human rights-based na mga hakbang sa drug control.


Kasama rin sa madato nito ang human rights-based approach sa counter-terrorism at tiyaking hindi makararanas ng torture at iba pang hindi makataong parusa ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Inatasan ng Malacañang ang lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan, local government units (LGU) maging ang pribadong sektor na suportahan ang implementasyon ng AO 22.
\

Facebook Comments