PBBM, dapat magbitiw na bilang acting Secretary ng DA

Nanawagan ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na dapat magbitiw na bilang acting Secretary ng Department of Agriculture (DA) si Pangulong Bongbong Marcos.

Sa kilos-protesta sa Mendiola kanina, sinabi ng KMP lalong lumala ang sitwasyon ng agrikultura sa bansa at walang pagbabago sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos bilang DA Secretary.

Hanggang ngayon hinahanap pa rin anila ng publiko ang pangakong P20 na kada kilo ng bigas.


Dagdag pa ng KMP, laging importasyon ang sagot ni Marcos sa kakulangan ng supply ng pagkain.

Dapat anila na palakasin ang lokal na produksyon ng pagkain at hindi umasa sa importasyon.

Samantala, nanawagan din ang mga magsasaka na ibasura ang Rice Liberalization Law, tigilan ang polisiya ng importasyon at libreng panamahagi ng lupa sa mga magsasaka.

Facebook Comments