
Hindi makikialam ang Malacañang sa planong pag-imbestiga sa Dolomite Beach sa Maynila.
Ayon sa press briefing ngayong Martes, sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na hindi hahadlang si Pangulong Ferdinand R. Marcos dito dahil sa separation of powers.
Pero naniniwala si Castro na maaaring makita sa gagawing imbestigasyon, kung talagang may nangyaring anomalya at kung may epekto ito sa paglala ng baha sa Kamaynilaan.
May sagot naman ang Palasyo sa mga nagsasabing diversionary tactics lamang ito para ilihis ang isyu ng korapsyon sa flood control projects.
Sa ikatlong linggo ng Nobyembre, planong simulan ang imbestigasyon sa Dolomite Beach kung pasok ito sa Manila Bay Sustainable Development Master Plan at sumusunod sa writ of continuing mandamus ng Korte Suprema para sa Manila Bay rehabilitation.









