
Hindi na dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos sa United Nations General Assembly (UNGA) sa Amerika sa susunod na linggo.
Nakatakda sanang bumiyahe pa New York, USA ang first couple sa September 19, Biyernes para sa High Level Week Debate ng UNGA hanggang September 26.
Ang UNGA ay taunang pagtitipon ng iba’t ibang bansa kung saan nag-ugnayan ang iba’t ibang lider ng mundo patungkol sa mga internasyonal na larangan.
Nauna nang sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na mahalaga ang presensiya ni Pangulong Marcos sa UNGA para sa hangarin ng Pilipinas na masungkit ang isang non-permanent seat sa United Nations Security Council (UNSC).
Samantala, hindi naman binanggit ng Palasyo ang dahilan kung bakit kinansela ang biyahe ni PBBM.









