Muling mamimigay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng libreng bigas matapos ang una ng pamamahagi nito kamakailan sa Cavite, Zamboanga Sibugay at Zamboanga City.
Batay sa schedule ng pangulo, sa area ng Maynila ang gagawing rice distribution partikular sa San Andres Sports Complex sa Malate.
Kukunin ang mga ipamamahaging bigas ngayong umaga sa nakumpiskang 42,180 na sako ng smuggled na bigas kamakailan sa Zamboanga City na nagkakahalaga ng 42 milyong piso.
Nitong nagdaang Biyernes ay nasa 1,200 sako ng kumpiskadong smuggled rice ang ipinamahagi sa beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa General Trias, Cavite.
Nasa 2,000 beneficiaries naman ng 4Ps sa Camarines Sur ang tumanggap ng kalahating kaban ng bigas nitong nagdaang Sabado.