PBBM, nagpaabot ng pakikiramay sa Iran kasunod ng pagpanaw ni Pangulong Ebrahim Raisi

Nagpahayag ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Islamic Republic of Iran kasunod ng pagpanaw ni Pangulong Ebrahim Raisi, Foreign Minister Hossein Amir Abdollahian, at kanilang mga kasama dahil sa isang trahedya.

Sa kaniyang statement sa social media, nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay si PBBM sa mga mamamayan at pamahalaan ng Iran, lalo na sa pamilya ng naulila ng yumaong Pangulo at Foreign Minister.

Kahapon, bumagsak ang helicopter na sinasakyan ni Raisi malapit sa lungsod ng Jolfa, Iran kung saan bukod sa Pangulo ng Iran ay nasawi rin ang walong iba pa.


Facebook Comments