PBBM, nais sundan ang yapak ni dating Pangulong Marcos Sr., sa larangan ng agrikultura

Nais sundan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang yapak ng kaniyang yumaong amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., pagdating sa larangan ng agrikultura.

Ito ang inihayag ng pangulo sa inagurasyon ng Cabaruan Solar-Powered Pump Irrigation Project sa Bayan ng Quirino sa Isabela kahapon.

Ayon sa pangulo, dadagdagan niya pa ang lahat ng nagawa ng kanyang ama sa agrikultura upang gumanda ang buhay ng mga magsasaka sa bansa.


Inihalimbawa ng pangulo ang napatayong Magat Dam ni Marcos Sr., sa Isabela na pinakikinabangan umano ng maraming magsasaka sa Region 2.

Kaya naman mayroon na aniyang Solar-Powered Pump Irrigation na sa ilalim ng kaniyang administrasyon na magpapababa ng gastos ng mga magsasaka dahil sa libreng kuryente na magbibigay ng libreng patubig.

Tapos na aniya ang mga panahon na para magkaroon ng tubig ang mga palayan ay kailangan pang gumamit ng makinang pinapatakbo ng langis upang dumaloy ang tubig mula sa irrigation canal patungo sa mga taniman.

Facebook Comments