Nakukulangan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kasalukuyang ranking ng mga pamantasan at kolehiyo sa Pilipinas sa 2024 Asian University Rankings.
Sa National Higher Education Day Summit ng Commission on Higher Education (CHED), sinabi ng pangulo na marami pang kailangang gawin upang makapasok ang mga unibersidad sa bansa sa top 100 rankings sa Asya.
Maging ang mga top schools kasi aniya sa bansa ay patuloy na bumababa o walang paggalaw sa rankings.
Dahil dito, sinabi ng Pangulo na kailangan na aniya ng isang komprehensibong istratehiya upang mapabuti ang ranking ng mga unibersidad sa mundo.
Ipinag-utos din ng pangulo na dagdagan ang pondo ng CHED para sa 2025, kasabay ng pagtitiyak na susuportahan ng pamahalaan ang libreng tertiary education ng mga karapatdapat na pag-aaral na hindi kayang suportahan ang kanilang pag aaral sa kolehiyo.