Dadalo at pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-obserba ng National Heroes Day ngayong araw.
Gagawin ang mga seremonya para sa pag-obserba ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Andres Bonifacio sa lungsod ng Taguig.
Magsisimula ang aktibidad alas 8 ng umaga mamaya na may temang Karangalan Katungkulan at Kabayanihan.
Bukod sa pangulo, dadalo rin sa aktibidad sina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., National Historical Commission of the Philippines Chairperson Dr. Emmanuel Franco Calairo at Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil.
Maging sina AFP Chief-of-Staff General Romeo Brawner at Taguig Mayor Maria Laarni Cayetano.
Facebook Comments