Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malacañang ang bagong talagang resident ambassador ng Democratic Republic of Timor Leste to the Philippines na si Marciano Octavio Garcia Da Silva.
Batay sa ulat Presidential Communications Office kahapon, nagsumite ng kanyang letter of credence si Ambassador Da Silva sa pangulo.
Sa mensahe ng pangulo, sinabi nitong isang karangalan na tanggapin ang letter of credence ng bagong resident ambassador.
Sinabi pa ng presidente na ito ay patunay na gumagandang partnership sa Timor Leste at Pilipinas dahil sa mga bilateral relationship nang mga nakalipas na taon.
Matatandaang una nang nakausap ng pangulo Timor Leste President José Ramos-Horta noong November 2023 sa ginanap na apat na araw na Timorese leader’ State Visit.
Sa state visit muling tiniyak ni PBBM ang commitment ng Pilipinas para suportahan ang Timor-Leste sa development sa pamamagitan ng “South-South Cooperation.”
Ang Pilipinas at Timor Leste ay nagdiwang ng 21 taong diplomatic relations noong May 2023.