Inaasahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbisita ni Saudi Arabia’s Crown Prince at Prime Minister Mohammed bin Salman sa Pilipinas.
Ito ay matapos na makapagsawa ng bilateral meeting ang dalawa na sidelines sa 29th APEC Economic Leaders’ Meeting (AELM) sa Bangkok, Thailand.
Ayon sa pangulo, sa pagbisita ng lider ng Saudi Arabia sa Pilipinas ay kanilang tatalakayin nang mas malawak ang mga isyu at areas of cooperation.
Sinabi ng pangulo na kung matutuloy sa bansa ang pangulo, hindi lamang aniya isyu sa labor ng Overseas Filipino Workers sa Saudi Arabia ang kanilang mapag-uusapan.
Maging ang usapin aniya sa investment ay kanilang tatalakayin.
Pero sa bilateral meeting aniya ay napahapyawan nilang pag-usapan ang energy dahil ang Saudi Arabia ang pinakamalaking producers ng petroleum sa buong mundo.
Taong 70’s at 80’s aniya ay tinulungan ng Saudi Arabia ang Pilipinas nang magkaroon ng oil crisis kaya sa ngayon umaasa rin ang pangulo na muling tutulungan ang Pilipinas dahil sa mahal na presyo ng langis.