PCG: 4 sakay ng yate, nawawala sa Tubbataha, Palawan

Apat ang nawawala matapos lumubog ang isang yate sa karagatan ng Tubbataha na sakop ng Palawan.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nauna nang nailigtas ang 28 sakay ng M/Y Dream Keeper.

Nagpapatuloy naman ang search and rescue operations sa iba pang mga pasahero ng yate.


Naglayag ang M/Y Dream Keeper mula San Remegio sa Cebu City hapon ng huwebes at dumating sa Tubbataha Reef pasado alas-10 ng gabi noong sabado.

Habang kanina nakatanggap ng impormasyon ang PCG Command Center na lumubog na ito.

Sa ngayon, idineploy na ng PCG ang BRP Melchora Aquino para tumulong sa paghahanap.

Facebook Comments