PCG, nagpadala na rin ng aircraft para magbantay sa Bajo de Masinloc sa gitna ng Atin Ito Civilian Mission.

Nagpadala na rin ng aircraft ang Philippine Coast Guard (PCG) para magbantay sa sitwasyon sa Bajo de Masinloc kasabay ng pag-arangkada ng Atin Ito Coalition Civilian Mission.

Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, patungo na rin doon ang dalawa pang barko na BRP Bagacay at BRP Panglao.

Tiniyak din ni PCG Commandant Ronnie Gavan na gagawin ng Coast Guard ang lahat para sa kaligtasan at seguridad ng mga kasama rito.


Ikinatuwa naman ng Coast Guard ang layuning ito ng mga civil society group na pagsuporta sa posisyon ng pamahalaan sa West Philippine Sea.

Kanina, matagumpay na naisagawa ang paglalagay ng symbolic markers sa loob ng Exclusive Economic Zone.

Facebook Comments