Agad nagpaabot ng tulong pinansyal ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO matapos na mapag-alaman ang kalagayan ni Track and Field Legend Lydia de Vega-Mercado upang mahikayat ang naturang atleta na labanan ang stage 4 breast cancer.
Ayon kina PCSO Chairperson Junie Cua at GM Melquuiades Robles nagpaabot na sila ng suportang pinansyal sa pamilya ni De Vega-Mercado na nagkakahalaga ng ₱500,000.00 para sa pagpapagamot nito sa Makati Medical Center.
Paliwanag nina Cua at Robles, mismong ang anak ni De Vega na si Stephanie Mercado de Koenigswarter ang tumanggap ng kalahating milyong pinansyal mula sa PCSO.
Si Lydia de Vega Mercado ay tumakbo noong 1984 Los Angeles Olympic at 1986 Asian Games sa Seoul South Korea ang kauna-unahang personalidad na nanalong back-to-back gold medals sa 100 meter dash, na tinaguriang fastest woman at sprint queen sa dekada 80 at kauna-unahang Filipino na babaeng tumakbo at lumaban sa Olympics kung saan ang kanyang tagumpay ay nagbigay ng malaking karangalan sa bansa.