PDEA, nangakong sasagutin ang rekomendasyon ng NBI kaugnay ng ₱1-B na shabu cargo noong 2019

Nangako ang mga personalidad sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na iniuugnay sa nasabat na ₱1 billion shabu cargo noong 2019 na sasagutin sa proper forum ang National Bureau of Intelligence (NBI) report.

Inirekomenda ng NBI na kasuhan sina dating PDEA Chief Aaron Aquino, ang kasalukuyang PDEA Director General Wilkins Villanueva, Bureau of Customs Head Rey Guerrero, BOC Deputy Commissioner Raniel Ramiro, at ilang drug operatives dahil sa kabiguang ma-detect ang shabu shipment.

Sa isang statement, sinabi ng PDEA na hindi pa nila natatanggap ang kopya ng NBI report.


Gayunman, tiniyak ng PDEA na lahat ng nasasangkot na personalidad ay nakahandang linisin ang kanilang pangalan.

Nagtataka ang PDEA kung bakit naisama si Director General Wilkins Villanueva sa alegasyon gayong nangyari ang insidente sa panahon ng nagdaang PDEA administration

Nakatalaga si Villanueva bilang Regional Director ng PDEA Regional Office 10 Northern Mindanao nang mangyari ang pagkasabat sa shabu na itinago sa tapioca starch shipment.

Facebook Comments