PESO Malabon katuwang ang DZXL 558 Radyo Trabaho mag sasagawa ng job fair bukas sa San Exequiel Moreno Parish, Malabon

Magandang balita dahil maraming trabaho ang bakante kasabay ng isasagawang job fair ng Public Employment Service Office o PESO Malabon katuwang ang DZXL 558 Radyo Trabaho sa San Exequiel Moreno Parish.

Magsisimula ang job fair alas-8 ng umaga at tatagal ng alas-11 ng umaga.

Ayon kay Malabon PESO Officer-in-Charge Luziel Balajadia, kabahagi ang nasabing job fair kasabay ng kapistahan ni San Exequiel Moreno.


Aabot sa 200 trabaho ang bakante tulad ng 50 machine operators, 50 cashier, 50 delivery helper, 50 warehouse checker, 10 accounting staff, 50 warehouseman at office staff.

Pinapayuhan ang lahat na makinig sa DZXL 558 Radyo Trabaho at bisitahin ang Facebook page ng DZXL 558 Radyo Trabaho para sa mga updated na bakanteng trabaho na maari ninyong pasukan.

Facebook Comments