Petisyon para kanselahin ang COC ni Bongbong Marcos, ibinasura ng 2nd Division ng COMELEC

Kinumpirma ni Fides Lim na isa sa mga petitioner na humihiling na makansela ang Certificate of Candidancy (COC) ni dating Senador Bongbong Marcos sa pagka-pangulo na ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division ang kanilang inihain na petisyon.

Ayon kay Lim, bagama’t ibinasura ang kanilang petisyon naghahanda na ang kanilangg kampo partikular ang kanilang abogado na si Atty. Theodore Te ng motion for reconsideration kaugnay sa naging desisyon ng 2nd Division ng COMELEC.

Dagdag pa ni Lim, maingat ang kanilang mga abogado sa paglalabas ng pahayag pero handa silang gumawa ng mga hakbang para maituloy anh inihaing petisyon hinggil sa pagkakansela ng COC ni Marcos.


Samantala, ipinagpasalamat naman ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez ang naging desisyon ng COMELEC.

Aniya, malaking pabor para sa kampo ng dating senador ang naging desisyon dahilan upang umasa sila na matatapos na rin o maglalabas ng desisyon hinggil sa nasabing isyu.

Nabatid na hiwalay ang nasabing desisyon ng 2nd Division bukod pa sa 1st Division ng COMELEC kung saan mayroon din dinidinig na petition kontra kay Marcos.

Facebook Comments