Petsa ng pipe re-alignment activity sa Sobriedad Street sa Maynila, binago ng Maynilad

Binago ng Maynilad ang petsa ng pipe re-alignment activity sa Sobriedad Street sa Maynila.

Ayon sa Maynilad, gagawin na ang pipe re-alignment activity mula October 29 hanggang November 1.

Mula ito sa unang inanusiyong petsa na October 25 hanggang 28.


Bukod sa mga hiling ng mga kustomer, isasabay na lamang nag petsa kung kailan karaniwang umuuwi sa probinsya ang publiko.

Wala namang nagbago sa listahan ng mga apektadong barangay at sa oras ng interruption.
Ppartikular na maaapektuhan ang mga residente sa Las Piñas, Makati, Manila, Parañaque, Pasay, Bacoor, Cavite City, Imus maging sa munisipalidad ng Kawit, Noveleta at Rosario sa Cavite.

Facebook Comments