Pharmally Pharmaceutical Corporation, iginiit na malinis at walang iregular sa naging transakyon nila sa gobyerno

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ay iginiit ni Pharmally Pharmaceutical Corporation Huan Tze Yen na malinis at walang iregularidad sa kanilang transaksyon sa Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM).

Diin ni Huang, naka-comply sila sa lahat ng requirements, hindi raw sila paborito o hindi naging special sa PS-DBM bagkus ay naging matyaga sila sa pag-aplay o pag-bid.

Paliwanag pa ni Huang, noong April ng nakaraang taon ay mataas talaga ang presyo ng face mask at ibang pandemic supplies dahil kakaunti ang supplies at napakataas ng demand noon.


Bukod dito ay sinabi naman ni Huang na hindi naman sa ipinagtatanggol niya si dating Presidential Adviser Michael Yan, pero totoo na hindi talaga siya kilala nito pati ang kompanyang Pharmally.

Samantala, hindi naman nakadalo sa pagdinig ngayon si Michael Yang dahil tumaas ang blood pressure nito ayon sa kaniyang abogadong si Atty. Raymun Fortun.

Facebook Comments