PhilHealth, pag-aaralan ang pagtapyas sa premium contribution ng mga members

Pag-aaralan na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang posibilidad na tapyasan ang kontribusyon ng mga PhilHealth members.

Ito’y makaraang makumpirma sa pagdinig ng Senate Committee on Health na mayroon palang ₱500 billion na reserve fund ang PhilHealth na kayang sagutin ang lahat ng benepisyo ng mga miyembro pati na ang mga dagdag pang health benefits na inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang pinakahuling SONA.

Sa pagdinig ay nangako si PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma na agad nilang pag-aaralan ang pagbawas sa singil ng premium contribution ng mga miyembro.


Agad aniya mag-co-convene ang buong team para talakayin at mairekomenda kay Pangulong Marcos na babaan ang singil sa premium rates ng mga PhilHealth members.

Sinabi naman ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go na bawat piso ay mahalaga para sa mga kababayan at mabigat na para sa mga miyembro ang mataas na kontribusyon gayong mayroon pa lang malaking halaga ng reserbang pondo nakatabi ang korporasyon.

Facebook Comments