Philippine Air Force, nagsagawa ng aerial assessment sa Bulkang Kanlaon

Nagsagawa ang Philippine Air Force (PAF) ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) sa pamamagitan ng aerial survey sa Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental kahapon.

Gamit ang dalawang S70i Black Hawk helicopter, sinuyod ng PAF ang paligid ng bulkan.

Lulan ng mga helicopter ang mga eksperto mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), mga opisyal ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Negros Oriental at Negros Occidental, at kinatawan ng Office of Civil Defense (OCD) Regions 6 at 7.


Layon nitong masuri ang posibleng mga peligro kasunod ng pagputok ng Kanlaon.

Samantala, gagamitin din ang mga helicopter sa paghahatid ng relief goods sa mga apektadong komunidad.

Facebook Comments