Philippine Embassy sa Libya, may babala sa mga Pilipino kaugnay sa karahasan sa nasabing bansa

Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Libya ang mga Pilipino sa Zawiya District at mga karatig na lugar na maging mapagmatyag.

Sa harap ito ng nangyayaring karahasan sa nasabing lugar.

Tiniyak din ng Embahada na nakatutok sila sa mga kaganapan doon at nakahanda sakaling may Pinoy na mangailangan ng tulong.


Ayon sa Philippine Embassy, sa ngayon ay wala naman silang natanggap na ulat na may Pilipinong nadamay o nasaktan sa mga karahasan sa Libya.

Sa ngayon, mahigit 2,000 ang mga Pinoy sa Libya na kinabibilangan ng mga nurse at iba pang healthcare workers.

May ilan ding university instructor, at skilled workers sa oil at gas sector.

Facebook Comments