Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Naval Forces Central (NFC) sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.
Ayon kay Lieutenant Commander Neil Rafael Ybera, tagapagsalita ng Naval Forces Central, sakay ng BRP Agta (LC 290), BRP Ivatan (LC 298), BRP Subanon (LC291), at BRP Tausug (LC295) ang ilang toneladang relief items.
Kabilang sa hinatiran nila ng tulong ang Bohol, Negros Oriental, Southern Leyte at Surigao, gayundin ang remote island barangays sa rehiyon.
Isinagawa ang relief operations katuwang ang Local Government Units (LGU) upang mabilis na mahatiran ng tulong ang mga nangangailangang residente.
Bukod sa Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) operations, nangunguna rin ang Navy sa amphibious operations at logistics support sa operasyon ng militar.