Kinumpirma ng World Health Organization (WHO) Western Pacific Region na isa ang Pilipinas sa apat na bansang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa listahan na inilabas WHO, kasama ng Pilipinas ang mga bansang Japan, Malaysia at Vietnam.
Ayon kay WHO Western Pacific office Program Area Manager Health Emergency Information and Risk Assessment Dr. Tamano Matsui, ang mga dahilan ng pagtaas ng kaso sa nasabing bansa ay ang patuloy na pagkalat ng iba’t ibang variant ng COVID-19 partikular ang Delta variant.
Kabilang din dito ang hindi mahigpit na pagsunod sa ipinapatupad na public heath protocols at hirap din ang mga bansa na tukuyin mga asymptomatic, mild at moderate cases kaya’t kumakalat na ito sa komunidad.
Samantala, iginiit ni WHO Western Pacific Regional Director Dr. Takeshi Kasai na posibleng hindi na mawawala pa ang COVID-19 sa mundo .
Paliwanag ni Kasai, para manatiling ligtas sa virus ay dapat na magpabakuna ang lahat sundin pa rin ang mga ipinapatupad na preventive measures.