Target ng Pilipinas na makapagtanim ng 100 million puno ng niyog bago matapos ang termino ni Pangulong Bongbong Marcos at maging number 1 exporter ng niyog sa buong mundo.
Ito ang isa sa mga tinalakay sa pulong ng Private Sector Advisory Council (PSAC) – Agriculture Sector Group kasama si Pangulong Bongbong Marcos sa Malacañang.
Ayon kay PSAC Agricultural Sector Group Member, dapat pabilisin ang paglulunsad ng malawakang programa sa pagtatanim ng puno ng niyog sa pamamagitan ng pagpapataas sa produksiyon ng binhi.
Inirerekomenda rin ng PSAC na magbalangkas ang Philippine Coconut Authority (PCA) ng roadmap upang mapabilis ang paglulunsad ng coconut planting program, at ang pagpasok ng PCA sa contract farming sa mga lokal na mag aaasin para mag supply ng asin bilang pataba sa mga niyog.
Samantala, tiniyak naman ni Pangulong Bongbong Marcos ang sapat ang pondong ibibigay sa PCA para maisakatuparan ang programa.
Sa ngayon dahil limitado pa ang pondo, naglatag ng ilang rekomendasyon ang advisory body para malutas ang problema.