Pumangatlo ang mga Pilipino sa mga lahing nagiging biktima ng hate crimes sa Estados Unidos.
Base ito sa ulat ng non-profit organization na Stop AAPI Hate, na nangangalap ng datos ukol sa mga pag-atake sa mga Asian Americans and Pacific Islanders kaugnay ng COVID-19 pandemic.
Nabatid na mula 6,603, umakyat sa 9,081 ang bilang ng mga insidenteng naiulat sa AAPI mula Abril hanggang Hunyo 2021.
Pinakamaraming nabibiktima ng Asian hate crimes ang mga Chinese (43.5%), sinundan ng mga Koreano (16.8%), Pilipino (9.1%), Japanese (8.6%) at Vietnamese (8.2%).
Sa lahat ng mga insidente, 48.1% ay mga hateful statement ukol sa anti-China at anti-immigrant rhetoric habang sa uri ng diskriminasyon, 63.7% ang verbal harassment at 16.5% ang ‘shunning’ o social rejection.