Pinakamalaking energy provider sa Asya na Aboitiz Power Corporation, makakatuwang na ang instant customer feedback insights solution na HappyOrNot sa mabilis na pagtugon sa customers

Nakipag-partner na ngayon ang isa sa pinakamalaking energy provider sa Asya na Aboitiz Power Corporation sa instant customer feedback insights solution na HappyOrNot.

Ibig sabihin nito, mas mapapadali na ang pagkuha ng feedbacks mula sa customers ng main distribution utility centers na makatutulong sa pagpapaganda ng kanilang serbisyo.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Gerry Urbina, Managing Director ng HappyOrNot PH (G.U.L.F. Trading Wireless Solutions) na gumawa sila ng mga tinatawag na “smiley terminal” kung saan sa pamamagitan nito ay maaaring magbigay ang customers ng kanilang feedback.


Aniya, bukod sa terminal ay pwede rin gumamit ang customers ng kanilang smartphones at bumisita sa website upang agad na maaksyunan ang anumang concerns.

Ayon pa kay Urbina, kumpara sa mga traditional survey ay mas madali ito lalo na’t hindi na kailangan pang magbahay-bahay ang mga tauhan ng Aboitiz.

Facebook Comments