Pinoy seafarer na dumating sa NAIA mula Hong Kong, inaresto ng PNP-AVSEGROUP

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) ang isang 55-year-old returning Pinoy seafarer na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Hong Kong.

Ayon sa PNP-AVSEGROUP, hinuli nila ang pasahero kasunod ng koordinasyon ng Bureau of Immigration (BI) sa PNP-AVSEGROUP, matapos makumpirma na may warrant of arrest ito sa kasong paglabag sa Section 5 (j) ng R.A 9262 o mas kilalang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Ang akusado ay nasa kustodiya na ng NAIA Police Station 3 para sa documentation at legal na action.

Nagtakda naman ang korte ng P24,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Facebook Comments