Wednesday, February 18, 2026

Pinoy seafareres, pinag-iingat ng DMW sa harap ng patuloy na mga recruitment para sa deployment sa shadow fleet

Pinag-iingat ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Filipino seafarers laban sa tinatawag na shadow fleet o mga sasakyang pandagat na walang sapat na rehistro.

Ayon kay Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac, hindi malinaw ang pagmamay-ari ng mga shadow fleet, at kadalasang walang insurance o ligal na proteksyon ang mga tripulante.

Pinaalalahanan ni Cacdac ang Pinoy seafarers na huwag kakagatin ang mga arrangement na hindi dumadaan sa DMW.

Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng DMW ang ulat na may mga seafarers na na-deploy sa mga barkong kabilang sa shadow fleet ang operasyon.

Iginiit ng DMW na nagsasagawa na sila ng pag-cross check sa mga database at nagsasagawa sila ng beripikasyon sa mga dokumento.

Pinapayuhan din ang publiko na agad i-report ang anumang kahina-hinalang alok o deployment na hindi dumadaan sa wastong proseso.

Facebook Comments