Pinsala ng Bagyong Karding sa agrikultura, pumalo na sa P3.077 billion – NDRRMC

Pumalo pa sa mahigit P3.077 billion ang pinsala ng Bagyong Karding sa agrikultura.

Batay as National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit P14.141 million ang napinsala sa livestock, poultry, at fisheries.

Nasa 104,500 na mga magsasaka at mangingisda at 166,630.11 hektaryang sakahan ang naapektuhan ng bagyo.


Nananatili naman sa 12 ang mga nasawi sa pananalasa ng bagyo, lima ang nawawala at 52 ang sugatan.

Umabot sa 247,016 pamilya o 913,893 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo sa pitong rehiyon.

Habang kabuuang 57,080 na mga bahay at 43 imprastraktura ang nasira ng bagyo.

Mahigit P51.463 million na halaga naman ng tulong ang naipagkaloob na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Local Government Units (LGU), at ng mga non-government organizations.

Facebook Comments