Sumampa na sa ₱1.13 billion ang halaga ng pinsalang iniwan sa imprastraktura ng mga nagdaang pag-ulan at pagbaha sa Visayas at Mindanao noong weekend.
Ayon sa NDRRMC, kabuuang 4,255 na mga bahay ang nasira ng mga pag-ulan kung saan 843 rito ang totally damaged.
Naibalik naman na ang suplay ng kuryente at tubig sa halos lahat ng mga apektadong lugar.
Samantala, umabot na rin sa ₱232.7 million ang pinsala ng shear line sa sektor ng agrikultura habang ₱2 million sa irigasyon.
Dalawampu’t isang lungsod at munisipalidad na ang nagdeklara ng state of calamity kabilang ang Llorente, Eastern Samar; Dapitan at Polanco sa Zamboanga Del Norte; Gingoog, Misamis Oriental at ang buong probinsya ng Misamis Occidental.
Higit ₱51.4 milyong halaga na ang tulong ang naipagkaloob sa mga biktima.